in

Netizen, ibinahagi ang umano’y sirang fire exit ng Ascott Makati nang mangyari ang magnitude 6.1 na lindol

Ibinahagi ng isang netizen na si Albert Camp ang umano’y sirang fire exit ng isang apartment hotel sa Makati nang mangyari ang magnitude 6.1 na lindol sa Luzon.

“Ascott Makati fire exit sira. Kung malakas ang lindol or may zombie apocalypse patay na kami,” saad ni Albert sa kanyang Twitter post.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang management ng Ascott Makati tungkol sa isyu.

Kanya-kanyang kuwento naman sa social media ang ilang netizen hinggil sa kanilang naramdaman, ginagawa o kung nasaan sila nang mangyari ang malakas na lindol.

“Engineer ako and kakatapos ko ang mag site inspection sa Makati. Buti nalang nakababa na Ko before that earthquake happened,” ayon sa isang netizen.

Samantala, nakapagtala ang PHIVOLCS ng hindi bababa sa 17 na aftershocks kasunod ng lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang probinsya sa Luzon.