fbpx
≡ Menu

Bong Go, hinamon si Leni Robredo bilang drug czar: Subukan mo at tignan natin kung makakatulog ka pa

Bong Go, hinamon si Leni Robredo bilang drug czar: Subukan mo at tignan natin kung makakatulog ka pa

Patayin mo lahat ‘yung mga DRUG LORD na ‘yan!

Ito ang hamon ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go kasabay ng pag-udyok nito kay Vice President Leni Robredo na tanggapin na nito ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Kanina ng pormal ng pinirmahan ng Pangulo ang alok nito kay Robredo para pamahalaan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Dangerous Drugs Board (DDB) at iba pang law enforcement agencies hanggang sa June 30, 2022.

Ayon kay Go, dito patunayan ni Robredo ang kakayahan niyang pamahalaan at sugpuin ang illegal na droga sa bansa.

“I challenge the Vice President to accept the job… at least malalaman mo po ano ‘yung trabaho ng isang pangulo at gaano kalaki ang problema natin sa iligal na droga, tignan natin kung makakatulog ka pa,” hamon ni Go.

“Subukan mo, subukan mo lang. Ma’am Leni, hinahamon po kita, I challenge you to accept… patayin mo lahat ‘yung mga drug lord na ‘yan,” dagdag pa nito.

Sa kabila naman ng hamon ni Go, ay iginiit nito na hindi nila ninais o gugustuhin na pumalpak si Robredo sa tiwalang binibigay sa kaniya ng Pangulo.

“Malay mo, meron siyang sariling solusyon dito and we want her to succeed. Basta nasa likod niyo kami, unahin niyo lang po ang interes ng Pilipino at saka (ang) kapakanan ng karamihan,” ani Go.

“Maaaring pagtapos ng termino ni Vice President Leni as anti-drug czar, let’s assess po kung naging succesful naman siya at nasugpo niya ‘yung droga, let’s congratulate her po. Kung hindi naman po, malulungkot tayo dahil inumpisahan na po ito ni Pangulong Duterte, ‘yung kampanya laban sa iligal na droga,” dagdag pa niya.

Nilinaw din ni Go na walang hidwaan sa pagitan ng Pangulo at Robredo.

Sakaling tanggapin ni Robredo ang alok ay hindi aniya makikialam ang Pangulo sa kaniyang magiging hakbang.