≡ Menu

China, sinimulan na umanong alisin ang higit 100 na barko sa West Philippine Sea

China, sinimulan na umanong alisin ang higit 100 na barko sa West Philippine Sea

Sinimulan na ng China na alisin ang nasa higit 100 barko na umiikot sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea

Ayon kay Philippine Special Envoy to China na si Ramon Tulfo, ito raw ang resulta ng ilang buwan na negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at China simula ng maitalaga sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“I was informed by an emissary who was here that the 100 ships have been withdrawn, and these are only initial,” sabi ni Tulfo.

Aniya, gusto pa rin daw ng China na iparamdam ang kanilang presensiya sa lugar pero hindi na daw ito magiging agresibo tulad ng dati dahil sa kanilang pagmamahal kay Pangulong Duterte.

“They won’t be aggressive for as long as our president is there because Chinese officials told me that they love our president. They just want to make their presence felt,” pahayag ni Tulfo.

Balak din daw ng China na ilipat sa Pilipinas ang higit 100 na kumpanya mula sa kanilang bansa na apektado ng trade war laban sa Estados Unidos.