fbpx
≡ Menu

ABS-CBN Reporter Doris Bigornia, binatikos ng netizen nang makitang naninigarilyo sa pampublikong lugar

Nag-viral ngayon sa social media ang larawan ng ABS-CBN news reporter na si Doris Bigornia dahil sa umano’y paninigarilyo nito sa isang pampublikong lugar.

Ibinahagi ng netizen na si Renato S. Lugto Jr. ang ilang larawan ng mamahayag na tila nagpapahinga at nagyoyosi habang may ka-text ito.

Ito ang buong caption sa Facebook post ni Renato:

Doris Bigornia huli sa akto na nagyoyosi sa public place kapal ng muka magyosi sa public place mahina ba ang batas na ginawa ng presidente natin? Oh sadyang matigas lang ang muka mo!

Executive Order No. 26, entitled Providing for the Establishment of Smoke-Free Environments in Public and Enclosed Places.

Para sa mga experto diyan nasa sports complex po si Doris sa mga oras na yan at eto ang mga lugar na bawal mag yosi.

  • Government buildings
  • Schools, colleges and universities
  • Offices and other workplaces
  • Restaurants and other food and drink establishments
  • Hotels and other accommodation facilities
  • Hospitals, health centers, clinics and nursing homes
  • Transportation terminals
  • Churches
  • Shopping centers, retail stores and other merchandise establishments
  • Entertainment establishments
  • Sports venues
  • Other establishments that provide professional services

At para sa mga nagmamagaling na experto sa pagtingin sa larawan hindi po edited yan palad po un naaaninag nyo na parang daliri tignan po mabuti.

Mababatid na sa ilalim ng Executive Order No. 26, sa designated smoking areas lamang makakapanigarilyo.

Sakop din ng kautusan ang pagbabawal sa mga menor-de-edad na manigarilyo at magtinda ng sigarilyo.

Pangunahing dahilan kaya ibinawal ang paninigarilyo ay upang makaiwas sa pagkakasakit ang mamamayan dahil apatunayan na ang second hand smoke ay mas matindi ang epekto sa mga nakalalanghap nito.