fbpx

PNP, tinukoy nang ‘suspek’ si Jonas Bueno sa pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa Cebu



Kinokonsidera nang suspek ng Philippine National Police (PNP) si Jonas Bueno sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Una nang nilinaw ng pulisya na naaresto si Bueno sa bisa ng arrest warrant dahil sa isa pang kaso ng pamamaslang sa 60-anyos na magsasakang babae na si Trinidad Batucan sa Danao City, Cebu noong Enero 13, 2019 na natagpuan ding binalatan ang mukha.

Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, dahil sa pagkakatulad ng naunang krimen at sa ginawa sa dalagita na si Silawan, kinokonsidera na rin nilang suspek si Bueno.

“‘Yung nahuli na isang nagngangalang Jonas Bueno ay nahuli nga sa Davao dahil sa pagkakasangkot niya sa isang krimen naman doon sa pagpatay sa isang magsasaka sa Danao City, Cebu noong nakaraang Enero 13, 2019…itong si Bueno ay kinokonsider na rin na suspect dito sa pagpatay ng teenager dito sa Lapu-Lapu City gawa nung may similarities ‘yung pagkakapaslang sa dalawang biktima,” pahayag ni Banac.

READ:  M/S Europa, dumaong sa Tagbilaran Port; ikatlong international cruise ship na dumaong sa Bohol ngayong 2019

Naniwala din si Police Brigadier General Marcelo Morales ng Police Regional Office Region-11 na kasapi ng isang kulto ang suspek at seremonya nila ang pagpatay at pagbalat sa kanilang mga biktimang babae.

Samantala, inatasana na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa kaso ng pamamaslang sa Cebuana na dalaga.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment