Antonio Trillanes, umaming nakausap niya si Joemel Peter Advincula alyas Bikoy noong 2018

Antonio Trillanes, umaming nakausap niya si Joemel Peter Advincula alyas Bikoy noong 2018

Inamin ni Sen. Antonio Trillanes IV na nagkita sila ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy noong 2018 hinggil umano sa drug links ng pamilya Duterte sa droga, ngunit bumagsak ito sa vetting process.

Sa isang privilege speech sa Senado, sinabi ni Trillanes na nabigo si Advincula na mapanatunayang puwede siyang maging testigo.

Aniya, isang grupo ng pari ang nagsabi sa kanya noong August 2018 hinggil kay Advincula na humingi ng tulong upang itago siya dahil may banta sa kanyang buhay.

Sinabi pa ni Trillanes na pinakinggan niya si Advincula ngunit ibanasura niya ito dahil maraming detalye ang nabigo niyang maibigay.

“Unang inilapit sa akin si Bikoy ng mga pari noong August last year. Ayon sa kanila, ito raw si Bikoy ay humingi sa kanila ng sanctuary dahil siya raw ay papatayin ng mga taga-sindikato na involved sa illegal drugs. Pinakinggan ko siya subalit nakulangan ako at naguluhan sa mga detalye kaya isinantabi ko at tuluyan nang kinalimutan ang usapang ito,” aniya.

“The fact na hindi ko siya inilabas dito ibig sabihin hindi siya nakapasa sa aming vetting process at lalong hindi ko siya kinupkop… Sa awa ng Diyos, hindi pa ako nasusunog sa mga nilabas ko,” dagdag pa niya

Iginiit pa ni Trillanes na abala siya noong panahon ng September sa media matapos bawiin ang kanyang amnestiya at nagpalabas ng warrant of arrest ang korte.

Ayon pa kay Trillanes na iyong grupo ng pari na nagkanlong kay Advincula na muling lumapit sa kanya upang patotohanan ang alegasyon dala ang mga sinasabing dokumento.

Ngunit, ayon kay Trillanes nabigo din na mapatunayan na may katotohanan ang dokumentong dala ni Advincula. “Uulitin ko, wala akong kinalaman sa paglabas ng mga videos na ‘yun. To my PMA upperclassmen here, alright, sir,” aniya.

Samantala, wala nang kasamahan sa Senado na nagtanong kay Trillanes matapos ang nasabing privilege speech.

HAPPENING NOW: SENATOR ANTONIO TRILLANES DELIVERS PRIVILEGE SPEECH, ADDRESSES “BIKOY” ALLEGATIONS