≡ Menu

Malaysian sport official sa mga pagkaing inihanda sa 2019 SEA Games: The food is delicious, even better than those served at some hotels

Malaysian sport official sa mga pagkaing inihanda sa 2019 SEA Games: The food is delicious, even better than those served at some hotels

Medyo nababahala ang deputy president ng Malaysia Athletics Federation sa timbang ng mga atleta nito dahil sa dami ng masasarap na pagkain na inihahain sa Athletes’ Village sa New Clark City.

Sa isang artikulo ay ibinunyag ni Datuk Mumtaz Jaafar na “simply too good to resist” ang mga pagkain na inihahain sa mess hall ng village.

“We arrived three days before athletics start and, after looking at the mess hall, I’m worried that some of my athletes might over-indulge and put on extra weight. The food is delicious, even better than those served at some hotels and it’s open 23 hours every day,” ani Mumtaz.

Ibinahagi ni Mumtaz na maraming mapagpipilian na pagkain sa menu, at pinapakain ang mga atleta ng anim na beses kada isang araw.

Ipinunto rin ni Mumtaz na mas masarap pa ang pagkain sa Athletes’ village kumpara sa mga inihahain sa ilang hotel.

Sinabi ni Mumtaz na baka mapadalas ang punta ng mga atleta sa mess hall lalo na at katapat lang nito ang venue para sa athletics.

Bukod sa kusina ay taglay ng Village ang 723 na kwarto, swimming pool, basketball court, gym, conference rooms at athletes’ lounge.

Matatandaan na ang New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac ay ang kauna-unahang pasilidad ng Pilipinas na binigyan ng “Class 1” certification ng International Association of Athletics Federation.