Dalawang lalaking naka-uniporme na magkaangkas sa motor kahit may quarantine restrictions, binatikos ng netizens

Dalawang lalaking naka-uniporme na magkaangkas sa motor kahit may quarantine restrictions, binatikos ng netizens

Umani ng samu’t-saring reaksiyon at batikos ang larawan ng dalawang lalaking nakasuot ng berdeng unipormeng may tatak na IRT o incident response team.

Inalmahan ng mga netizens ang pag-angkas ng isa sa kanila sa motorsiklo gayong pinagbabawal ito sa ilalim ng panuntunan para sa pinapatupad na community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Bukod dito, parehas din silang walang suot na helmet na isa ding paglabag sa ipinapatupad na batas.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng Facebook user na si Elluis Albert Dela Rosa, inilabas niya ang saloobin hinggil sa hindi makatarungang sistema pagdating sa pagpapatupad ng batas.

“Pag naka UNIFORME walang BATAS? Tapos yung mga asawa naming gusto na pumasok sa trabaho bawal namin iangkas? Ibang klase talaga dito sa pinas kaya walang pag unlad. Pa kalat lang natin. Baka sakaling marinig,” saad sa caption niya.

Dahil sa paglabag na ginawa ng dalawang lalaki, marami sa mga netizens ang sumang-ayon sa sentimyentong ni Elluis.

Exempted po sila kung baga sa eskwelahan sila yung special child kasi hindi siguro nila alam na bawal yan at saka wala pa silang helmet.

Bakit kapag kami ang higpit niyo tapos pag kayo okay lang. Sana matigil na itong mga ganitong sistema.

Hindi talaga patas ang batas dito sa Pilipinas. Ang batas na inemplement ng gobyerno ay para sa mahihirap lang.

Ganyan din sa amin. Katwiran nila na FRONTLINER daw sila kaya puwede silang umangkas. Kanina lang may nakasalubong akong mga TANOD na naka-angkas sa isang motor .

Huwag na tayong magtaka dahil nasa Pilipinas tayo. Baliktad kasi ang batas nila. Kapag mag-asawa bawal ang angkas pero kapag hindi mo kapamilya puwede naman.

Matatandaan na pinagbawal ang pag-angkas sa motorsiklo simula nang ipatupad ang community quarantine para mapanatili ang social distancing.

Gayunpaman, marami ang kumontra dito lalo na para sa mga mag-asawang magkasama naman sa bahay.