fbpx

Lalaking nanloob ng tindahan at nanggahasa sa babaeng tindera, nahuli na



Naaresto nitong Lunes, Marso 11, ang isang lalaki matapos itong manloob sa isang tindahan at manghalay ng tindera.

Ayon sa pulisya, pumasok si Fraem Fructoso, 26-anyos na construction worker, sa isang tindahan sa Barangay Lahug, Cebu City noong Huwebes, Marso 7, at nagdeklara ng holdap.

Sa kuha ng CCTV, kinaladkad ng suspek ang 14-anyos na tindera sa likuran ng tindahan at pinukpok ng bato.

Nahilo ang biktima at ginahasa ito ng suspek. Matapos ang insidente, agad umalis ang suspek dala ang kita ng tindahan at cellphone ng biktima.

Sa ginawang follow-up operation at sa tulong na din ng asawa ng suspek, natunton ng mga pulis ang suspek sa bahay ng kaniyang tiyahin sa Barangay Ilihan, Lungsod ng Tabogon.

Kuwento ng suspek, kagagamit lang niya ng droga nang gawin ang krimen at ginawa rin umano niya ito para mayroong pambili ng droga.

READ:  14-anyos na babae, hinalay ng manliligaw na construction worker sa Quezon City; suspek, binugbog

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong rape at robbery.

PANOORIN: LALAKING NANGHOLDAP SA ISANG TINDAHAN AT NANGGAHASA NG BABAENG TINDERA, HULI SA CCTV


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment