in

CBCP, humingi ng tawad sa kamanyakan ng ilang pari at mga biktima ng sexual abuse

Sa isang pambihirang pagkakataon, humingi ng patawad ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga biktima ng pang-aabuso ng kanilang hanay, partikular na ang mga kaso ng sexual abuse sa kabataan.

“We bow in shame, we beg for forgiveness, we continue to say we are so sorry and beg for forgiveness from the Lord and from those this hurt and wrongdoing has been done,” ani CBCP president at Davao Archbishop Romulo Valles kasabay ng pag-amin na kahit si Pope Francis ay ikinahihiya rin ang pang-aabuso ng ilang pari.

Tiniyak naman ng Valles na patuloy silang gumagawa ng hakbang upang matugunan ang mga suliranin ng kanilang hanay.

Kaisa aniya sila sa paglaban ng pang-aabuso sa lipunan at umaasang mapanagot sa batas ang mga indibidwal na sangkot, kahit pa ito ay mga pari o mataas pang opisyal.

“We are all committed and do all that what we can that’s a broad statement to stop this. And in the concrete there are procedures on what to do chosing words carefully to bring justice to all,” ani Valles.

Hinimok din ni Valles ang mga mananampalataya na huwag matakot, ipagbigay-alam sa mga opisyal ng Simbahan at maging sa awtoridad kung makakaranas sila ng pang-aabuso.

“Do not be afraid, young people do not be afraid, go to your Bi­shops, go to your priests and be open and unburden your hurting situation. I am sure that they would listen to you, we are ready to ask for your forgiveness because in this forgiveness is the power of healing, grace co­ming from the Lord,” saad ni Valles.

Magugunita na ang mga kaso ng sexual abuse sa kabataan ang madalas na binabala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alagad ng Simbahan tuwing siya ay nakakatanggap ng kritisismo mula sa mga pari.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment