fbpx
≡ Menu

P70,000 maternity financial assistance, ibibigay ng SSS simula Enero 2020

P70,000 maternity financial assistance, ibibigay ng SSS simula Enero 2020

Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na ang maximum maternity financial assistance ay aabot na sa P70,000 na maaari nilang maibigay simula sa Enero 2020.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer (CEO) Aurora Ignacio, ito ay kasunod ng implementasyon ng Republic Act No. 11210 o Expanded Maternity Leave Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at pati na rin ng SSS Act of 2018.

Tumataas ang SSS benefits na makukuha ng mga miyembro dahil sa ipinatutupad na bagong minimum at maximum monthly salary credit.

Dahil dito, aabot sa lagpas doble ang maternity benefit na makukuha ng isang nanay na dating nakakatanggap lang ng P32,000.

Dagdag pa ni Ignacio, magmula nang maipatupad ang Expanded Maternity Leave Act, tinatayang nasa higit 122,000 nanay ang nakapag-avail ng dagdag-benepisyo.

Katumbas ito sa P2.67 billion na maternity benefits mula Enero hanggang Abril nitong taon na mas mataas ng 15.09 porsiyento na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.