fbpx
≡ Menu

2 binata sa Camarines Norte, patay nang tamaan ng kidlat habang naglalaro ng Mobile Legends

2 binata sa Camarines Norte, patay nang tamaan ng kidlat habang naglalaro ng Mobile Legends

Patay ang 2 binata matapos tamaan ng kidlat habang naglalaro ng online game na Mobile Legends sa bulubunduking bahagi ng Barangay Patag Ilaya sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Jimboy Magsino Lora, at Jercho Compra Lora, magpinsan at pawang 18-anyos, residente ng naturang bayan.

Ayon sa Sta. Elena Municipal Police Station (MPS), nagpaalam raw ang dalawa na lalabas ng bahay upang maghahanap ng malakas na signal ng internet para makapag laro ng online game na Mobile Legends.

Pumuwesto raw ang dalawa malapit sa isang puno sa mataas na bahagi ng barangay.

Maaraw naman daw ng mga oras na iyon subalit bahagyang dumilim ang kalangitan at doon na nagkaroon ng malakas na kulog kasabay ang kidlat dahilan upang tamaan ang mga biktima.

Natagpuan na lang ang mga bangkay ng magpinsan sa ilalim ng isang puno hindi kalayuan sa kanilang bahay, sunog ang parte ng katawan ng dalawang binata na tinamaan ng kidlat habang pira-piraso ang kanilang cellphone na nagkalat sa lupa.

Samantala, payo naman ng pulisya na huwag gumamit ng cellphone kapag kumikidlat dahil kadalasan ay nakaka-attract ito sa kidlat, bukod sa paggamit ng cellphone ay iwasan din ang mga open area o malawak na lugar katulad ng bukid dahil ito din ang paboritong tamaan ng kidlat gayundin ang pagsusuot ng mga silver na kasuotan.