Willie Revillame at Raffy Tulfo, pambato ni Pangulong Duterte sa pagka-senador sa 2022 national elections

Isiniwalat ng isang opisyal ng PDP-Laban na mayroon na umanong inisyal na listahan si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pambato niya sa pagka-senador sa 2022 national elections.

Ayon kay PDP-Laban Provincial Chairman at Eastern Samar Governor Ben Evardone, kinabibilangan ang inisyal na listahan ng mga miyembro ng gabinete, TV personality at re-electionist senator.

“He is now finalizing his line-up na i-endorse niya,” pahayag ni Evardone.

Saad niya, kabilang sa listahan sina Public Works Secretary Mark Villar, Transportation Secretary Arthur Tugade, Presidential Spokesman Harry Roque, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Labor Secretary Silvestre Bello III, Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, mga TV personality na sina Willie Revillame at Raffy Tulfo, re-electionist Senator Juan Miguel Zubiri at Antique Representative Loren Legarda.