fbpx

NCRPO Chief Guillermo Eleazar, kinastigo ang Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang pulis sa MRT



Read: Paano maging updated sa PhilNetizen sa inyong Facebook News Feed?

Nahaharap sa reklamong direct assault at disobedience to a person in authority ang Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang police officer matapos siyang harangan na makapasok sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) Boni Station dahil sa pagdadala ng pinagbabawal na likido.

Kamakailan lang nang maghigpit ang MRT-3 sa seguridad partikular sa mga ipinapasok na liquid items dahil sa sunod-sunod na pambobomba sa Mindanao.

Matapos ang insidente ay kinausap ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar si Jiale Zhang, 23-anyos, isang estudyante at pansamantalang nakatira sa Axis Residences, Pioneer Street, Mandaluyong City.

Pinaliwanagan nito si Zhang na iniimplementa lang ni PO1 William Cristobal, miyembro ng PNP Regional Mobile Force Battalion, na nangharang sa kanya na makapasok sa Boni Station sa Mandaluyong, ang polisiya ng pamunuan para sa proteksiyon ng mga pasahero at maiwasan ang insidente gaya ng pambobomba.

READ:  Sen. Manny Pacquiao, hindi na-offend sa pagtatanong ni Karen Davila sa kanyang college degree

Sasailalim sa inquest proceedings sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office si Zhang.

Samantala, tinitingnan ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na mai-ban sa MRT-3 si Jiale.

“We are considering to ban her sa lahat ng MRT-3 stations. We want to emphasize to the public na may mga rules kami, and dapat niyong sundin. Kailangan may masampolan tayo,” sabi ni DOTr Assistant Secretary for Communications Goddes Hope Libiran.

“Yung ganyang behavior, hindi tinotolerate yan. Nagtatrabaho ng maayos yung tao namin tapos gaganyan niyo lang? Hindi naman ata tama yun,” dagdag na pahayag ni Libiran.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment