in

Libreng school supplies, handog ng Mandaluyong sa mga estudyante sa pagbubukas ng klase

Nag-viral ngayon sa social media ang libreng school supplies na ipinamigay sa mga estudyanteng nag-aaral sa pampublikong paaralan sa lungsod ng Mandaluyong.

Ibinahagi ng netizen na si Roselyn Napoles ang kahandaan ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong sa pamamahagi ng school supplies sa kanilang mga estudyante.

Napag-alaman kasi na isa sa pinoproblema ng mga magulang tuwing sasapit ang pasukan ay ang mga school supplies na gagamitin ng kanilang mga anak.

Thanks for spreading an inspiration thru these photos, behind this post, it’s possible because God uses good people like Mayora Menchie Abalos and LGU of Mandaluyong that never stop in what they can share and do to make better for the benefit of the schools and students, The SDO of Mandaluyong headed by ma’am Nerissa L. Losaria, our school Filemon P. Javier headed by our supportive principal ma’am Leonila Quiambao Masangcay who always hands on in every activities and instructions, my co-teachers who did the same preparation with mine, our custodian for the early distribution of supplies, to our non teaching personnel that lifted the supplies from 1st floor to 4th flr, from bldg. A to Bldg. B, collabortive effort that make things easier. All efforts paid off cause of the parents smile and happiness upon handed those things and mostly, the children who wore it in this first day of school year,” caption sa post ni Napoles.

Makikita sa larawan na nakalagay na sa bawat upuan ng isang classroom ang mga school supplies at kukuhanin na lamang ito ng mga mag-aaral.

Maliban sa mga school supplies ay may kasama rin itong school uniform at sapatos.

Dahil dito, ikinatuwa at nagpahayag ng paghanga ang mga netizens sa kabutihang gawain ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong para sa mga batang mag-aaral.

Back to school na muli tayo mga bagets. At dahil nga isa sa mga pangunahing programa ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong sa pamumuno ni Mayora MENCHIE ABALOS, ang pagpapahalaga at pagpapaulad sa edukasyon ng ating mga kabataan ay muling namigay ng mga gamit pang eskwela, uniporme at sapatos si MAYORA MENCHIE ABALOS sa lahat ng mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong lungsod, upang hindi na maging hadlang ang kakulangan sa gamit sa pag-aaral ng ating mga estudyante at kanilang mga magulang. Libo-libong mga mag-aaral na naman ang tiyak na makikinabang. Salamat po Mayora!