in

Isang katutubo, panalo bilang alkalde sa Rizal, Palawan matapos ang 2019 midterm elections

Isang kasaysayan sa bayan ng Rizal, Palawan ang pagkakapanalo ng isang tribal leader sa katatapos na 2019 midterm elections.

Ang 77-anyos at independent candidate na si Otol Odi ang iprinoklama bilang bagong alkalde sa naturang bayan matapos makakuha ng 8,575 boto batay sa resulta mula sa Commission on Elections (Comelec).

Ang kaniyang kalaban naman na si Cesar Magsaysay na suportado ng administrasyong Duterte ay nakatanggap ng 4,814 na boto.

Naluha ang ilang taga-suporta ni Otol sa kanilang nakamit matapos ang mga pinagdaanan sa pangangampanya.

“Hindi po madali pinagdaanan namin pero sulit kasi nagbunga po ito ng maganda,” ani Edna Macmam.

Para kay Alex Hirang, “Kahit inakyat pa namin ang mga bundok para lang maabot ang mga katutubo, ginawa po namin ‘yun.”

Sa isang panayam, ilan sa gagawing priyoridad ni Otol kapag uupo na ito sa puwesto ay kabuhayan, pantay na pagtingin, edukasyon, at maayos na kalusugan para sa gaya niyang indigenous people o IP.

“Malaki ang pangarap ko para sa mga kapwa ko katutubo na laging napag-iiwanan dito sa bayan namin,” aniya. “Gusto ko talaga na matulungan sila kaya nanindigan akong tumakbo. Alam ko naman na kaya ko. T’saka kinausap ako ng mga tao dahil ayaw namin na dayuhan ang mamumuno sa amin,” ani ni Otol.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment