fbpx
≡ Menu

Asawa ni F/B GemVer-1 Captain Junel Insigne, mas gugustuhin na ma-impeach si Pangulong Duterte

Asawa ni F/B GemVer-1 Captain Junel Insigne, mas gugustuhin na ma-impeach si Pangulong Duterte

Hindi nagustuhan ni Lanie Insigne, asawa ni F/B GemVer-1 Captain Junel Insigne, ang nanging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag harangin ang mga Chinese sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas dahil kaibigan naman ito ng bansa.

Ayon sa maybahay ni Junel, mas mabuti pa raw na ma-impeach na sa puwesto si Pangulong Duterte.

“Parang wala nang karapatan ang Pilipinas doon. Parang Chinese na lang ang sinusunod niya… Naiinis nga ako kanina, nanonood ako ng TV. Sabi ko, maganda parang ma-impeach na ‘yan,” boladas ng misis ni Junel.

Naging laman ng balita si Lanie nitong mga nagdaang araw matapos niyang ipag-utos sa asawang si Junel na umurong sa pakikipa-pulong kay Pangulong Duterte sa Maynila.

Kalaunan ay napag-alaman na si Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol pala ang may nais kumausap sa mga mangingisdang na “hit-and-run” sa Recto Bank ng West Philippine Sea.

Bilang tulong, bingiyan ng gobyerno ang mga mangingisda ng bagong fiber glass na fishing boats, diesel engines at ilang kagamitan sa pangingisda.

Kamakailan ay binisita din ni Vice President Leni Robredo ang mga Insigne at masayang nakipag-usap sa mga ito.