in

Marvel’s Avengers Pinoy celebrity version, kinagiliwan ng netizens sa social media

Nag-world premiere na ang “Avengers: Endgame” sa Los Angeles Convention Center noong nakaraang Lunes, Abril 24, at naging positibo ang reaksyon ng mga fans.

At dahil sobrang patok ng palabas, maraming mga naglalabasan sa social media na iba’t-ibang gimik para makasabay rito.

Nag-viral ngayon ang Pinoy celebrity version drawings ng artist na si Glenn Paolo Villeza na ibinahagi ni Laurel Arisgado sa Facebook.

Mabibigyang hustisya kaya ni Richard Gutierrez ang role ni Captain America? Tapos magbabalik showbiz na si John Lloyd Cruz para maging si Ironman?

Swak din kayang buhatin ni Sam Milby ang hammer ni Thor?

Maging kasing-hot rin kaya ni Scarlett Johansson si Julia Montes bilang Black Widow? Paano naman si Liza Soberano bilang Scarlet Witch?

Kikiligin din kaya tayo sa tambalan ng real-life couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado bilang The Ant Man at The Wasp?

Nakagawa na rin si Villeza ng Pinoy version ng mga Game of Thrones characters.

Samantala, nagtala lang naman ang pang-apat na pelikula ng Avengers franchise nang bagong kasaysayan matapos maging highest – grossing opening film sa bansa.

Umabot na kasi ngayon sa ₱205.67 million ang kinita ng nasabing pelikula simula nagbukas ito sa mga sinehan noong Miyerkules.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0