in

Matandang babae, nagwala at hinampas ang babaeng may kandong na bata sa isang pampublikong bus

Isang matandang bungagera ang binabatikos ngayon ng netizens sa social media matapos niyang magwala sa galit sa loob ng isang pampublikong bus.

Ayon sa Facebook post na ibinahagi ni Anne Gaddi, makikita sa video kung paano siya inaaway ng isang matandang babae.

Kuwento ni Gaddi, kasama umano niya sa biyahe ang kanyang maliit na anak at nagalit raw ang matanda dahil nasagi siya.

Maririnig sa video na dinamay ng matanda ang mga Bulakeño nang sabihin nito ang, “Bulakeño palibhasa..”

Kaya hindi nakapagtimpi ang ilang pasahero at pinagsabihan ang matanda. Dito na inaway ng matanda ang iba pang pasahero ng bus.

Sa isang cut video ni Gaddi, makikita pa na sinugod at hinampas siya ng matanda.

Narito ang buong caption sa post ni Anne:

Minsan lang sumakay ng Bus ito pa napala ko.. hindi ko naman nasasagi.. may kandong akong bata.. gumawa ng eksena haist..

Hindi ko na video yung unang ganap na nagalit siya dahil nasagi daw siya..

Nilait pa ang mga taga-Bulacan…

Ang viral video ay umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0