in

KAPA founder Joel Apolinario, hinihintay na sa impiyerno ayon kay Pangulong Duterte

Isang kandidato na umano sa impiyerno si Kapa-Community Ministry International (KAPA) founder Joel Apolinario dahil sa dami ng nabiktima ng kanyang investment pyramiding scam.

Sa kanyang pamamahagi ng certificate of land ownership award (CLOA) sa mga agrarian reform beneficiaries sa Lagao Gymnasium, General Santos City, sinabi ng Pangulo na hinihintay na sa impiyerno si Pastor Apolinario.

Muling iginiit ng Pangulo na dapat matigil at maipasara ang operasyon ng KAPA matapos magreklamo ang mga naglagak ng salapi na nahihirapan na silang makasingil sa kanilang ini-invest na salapi.

“Katong nakuhaan ng dako sa KAPA, I’m sorry the operation will be stopped or shall stop immediately. Ug katong pastor, impiyerno na gahuwat sa imo, tang-ina ka, Pastor kang mangilad ka, bantay lang,” anang Pangulo.

Kasabay nito binalaan ng Pangulo ang mga magsasakang nakatanggap ng titulo ng lupa na huwag ibenta o isangla ang kanilang titulo para mag-invest sa KAPA dahil ipapatawag niya ang mga ito, papipilahin at isa-isang pagsusuntukin.

“Hinay-hinay lang baligya para capital sa KAPA. Iprenda kay ugma ipatawag ta mo ug palinyahon ta mo ngari sumbag dawat babaye ug laki. Maminaw mo ha,” dagdag pa ng Pangulo.

Magugunitang ipinag-utos ng Pangulo ang pagpapasara sa KAPA makaraan itong masangkot sa investment scam na nauna nang ibinunyag ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0