in

16-anyos na babae, hinalay ng 2 lalaki at nobyo niyang nakilala sa social media sa Bacolod

Tatlong lalaki ang inereklamo ng panghahalay ng isang 16-anyos na babae sa Bacolod City.

Ang isa sa suspek ay nobyo ng biktima na nakilala ng dalagita sa social media.

Ayon sa ulat, sinabing nag-inuman ang apat bago mangyari ang panghahalay.

Nagsumbong ang dalagita sa pulisya at inilahad ang pang-aabusong ginawa sa kaniya ng tatlong lalaki.

Ayon sa pulisya, una raw siyang ginahasa ng kasintahang si Leonito Aspero na nakilala at sumunod naman siyang pinagsamantalahan ng kainumang si Reymark Canete at isa pang lalaki na menor de edad.

Giit ng mga naarestong suspek, hindi nila maalala ang insidente dahil sa sobrang kalasingan.

Isinailalim na sa medical exam ang dalagita para masampahan ng kaso sina Aspero at Canete.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng social development center ang menor de edad na suspek.

Nagpuyos naman sa galit ang netizens dahil sa nangyari sa biktima. Ang iba naman ay isinisi sa social media at mga palabas sa telebisyon ang nangyayari ngayon sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0