≡ Menu

Kumpisal ng dating rebelde na ni-recruit ng isang grupo mula sa Ateneo de Naga University: Estudyante ako by day, NPA by night

Kumpisal ng dating rebelde na ni-recruit ng isang grupo mula sa Ateneo de Naga University: Estudyante ako by day, NPA by night

Nilantad ng isang rebel returnee na si Agnes Reano, na 13-anyos lang siya nang ma-recruit ng mga komunista.

Kuwento niya sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa nawawalang mga estudyante, wala siyang kamalay-malay na nakapasok na siya sa communist organization nang ma-recruit siya ng Alliance of Student against Tuition Fee Increase sa Ateneo de Naga University noong 1983.

“Actually noon, hindi ko po alam na pumapasok na ako sa organisasyon. Ang alam ko lang po, pinapahiram lang nila ako ng libro kasi mahilig po akong magbasa,” sabi ni Reano.

Una umanong pinagawa sa kanya ay dalhin ang mga bala mula Naga patungong Legazpi sa Bicol.

Idina-duct tape umano sa katawan ang mga bala at ibibiyahe siya sa isang area at may sasalubong sa kanya.

“Nung ma-recruit ako nung first year, estudyante ako by day, NPA by night. Pinanumpa akong kandidatong kasapi, kapag sinabing kandidatong kasapi automatic you become a member of the armed NPA,” pag-amin niya.

Sila rin umano ang buhay na patunay na may nangyayaring recruitment ng mga estudyante sa mga paaralan para maging rebelde.

“Kung tatanungin nyo po ako kung may recruitment sa school, definitely meron. Kami po ang kongkretong batayan. Buhay na ebidensya na narecruit, ako naging recruiter din,” ani Reano.

WATCH: Idinetalye ng dating rebeldeng si Agnes Reano ang kanyang karanasan kung paano na-recruit ng New People’s Army at paano ang naging pamumuhay niya bilang parte ng rebeldeng grupo.

WATCH: Plano raw ng mga leftist group na pabagsakin ang gobyerno kaya nila pinasok ang pulitika, ayon sa dalawang dating rebeldeng humarap sa pagdinig ng Senado.