in

Rappler CEO Maria Ressa inaresto pagdating sa bansa dahil sa paglabag sa Anti-Dummy Law

Inaresto ng mga otoridad si Rappler CEO at executive editor Maria Ressa ngayong Biyernes ng umaga, March 29 kaugnay sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law.

Isinilbi ng tauhan ng Pasig PNP ang warrant of arrest kay Ressa pagkababa niya sa eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang arrest warrant na iprinisinta ng mga awtoridad laban kay Ressa ay isinilbi ni Pasig Regional Trial Court Branch 265 Judge Acerey Pacheco.

Si Ressa ay dinala sa Pasig Police Station upang sumailalim sa booking procedure at nakatakdang maghain ng P90,000 na piyansa.

Ayon kay Maria Ressa, ito ay panibagong pag-atake na naman sa kanyang karapatan at press freedom dahil wala umano siyang ginagawang mali pero bakit tila kriminal ang tingin sa kanya ng pamahalaan.

Si Ressa ay nahaharap din sa kasong cyber libel at tax evading cases sa magkaibang korte na paulit-ulit niyang tinatawag na “harrassment”.

Ang anti-dummy case ay konektado sa Securities and Exchange Commission (SEC) order na nagsusupende ng incorporation papers ng Rappler dahil sa umano’y paglabag sa constitutional restriction na nagbabawal sa mga dayuhang kumpanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment