fbpx
≡ Menu

Peter Advincula alyas Bikoy, nagsumite ng mga ebidensya na naglalaman ng usapan nila ni Antonio Trillanes

Kusang sumuko si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy sa Philippine National Police (PNP) at humiling ng protective custody.

Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Amador Corpus, bumalik si Advincula kasama ang kanyang abogado at nagsumite na rin ng mga ebidensya na makatutulong sa imbestigasyon para patunayan ang kanyang mga alegasyon.

“Last Monday, that is May 27, Bikoy returned. He is now under protective custody. He voluntarily surrendered himself and requested for protective custody,” sinabi ni Corpus.

Kabilang sa kanyang isinuko ay ang personal computer at cellphone na naglalaman umano ng usapan nila ni Sen. Antonio Trillanes IV na kasabwat niya sa paggawa ng mga serye ng propaganda videos laban sa pamilya Duterte.

Sinabi pa ni Corpus na nasa ilalim ngayon ng protective custody ng CIDG si Advincula habang isinasailalim sa validation ang mga alegasyon nito.

Sa pagsuko ni Advincula, sinabi ni PNP Police General Oscar Albayalde, na lahat ng pahayag nito, kabilang ang mga personalidad na iniugnay niya sa ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay iimbestigahan.

“All the things Bikoy said will be validated, all the names will be part of our investigation,” saad ni Albayalde.

“Bikoy will be part of the investigation. Remember, he can also be a respondent here. We are not saying that he is already a witness or he’s still a suspect. It’s for the court to decide if he will become a witness or a suspect after we file a case,” dagdag ni Albayalde.

Humiling na rin ang PNP ng kopya ng closed-circuit television (CCTV) footage sa mga lugar ng pagkikita ni Advincula, ilang miyembro ng Otso Diretso, at mga kandidato sa pagkasenador ng oposisyon kaugnay sa Project Sodoma.