in

Paring Pinoy, nanggahasa ng isang altar girl; ni-rekord pa ang ginawang krimen

Nahaharap sa kasong paggagahasa at pagkuha pa ng video sa ginawang krimen ang isang Pinoy na pari sa Philadephia.

Si Rev. Armand Garcia, 49-anyos, ay kusang sumuko sa mga awtoridad at kalauna’y nagbayad ng 10% ng kaniyang $250,000 piyansa.

Kinumpirma ng abogado ni Garcia na si William Brennan, ang pagpapatawag sa pari dahil sa kaso ng panggagahasa ng dalagitang babae, pagkuha ng video sa ginawa at corruption of minor.

“Obviously these are very serious charges, and we will take them seriously, but it is important to remember that Father Garcia is innocent until proven guilty. My understanding is the allegations come at a time when the complaining witness had reached the age of consent,” pahayag ni Brennan.

Ayon sa dokumento ng korte, nangyari ang insidente ng pag-atake ni Garcia noong August 2014 sa Immaculate Heart of Mary church.

Makailang beses pa umanong inalok ng pari ang pinaniniwalaang altar girl ng alak at cannabis,

Nangyayari umano ang krimen na ito sa rectory o tirahan ni Garcia at sa iba pang lugar noong 16-anyos pa lang ang biktima.

Nagkaroon ng pagkakataong makapagsumbong ang dalagita nang malipat si Garcia sa bagong parish noong 2017.

Si Garcia ay nagsisilbi bilang regional representative para sa National Association of Filipino Priests.

Pormal nang sinampahan ng kaso si Garcia at haharap sa preliminary hearing na naka-schedule sa ika-14 ng Marso.

WATCH: PHILADELPHIA REVEREND CHARGED WITH SEXUAL CRIMES AGAINST MINOR

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment