Baganga, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol; naramdaman sa iba’t-ibang panig ng Mindanao

Baganga, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol; naramdaman sa iba’t-ibang panig ng Mindanao

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bayan ng Banganga sa Davao Oriental.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol 63 kilometers northeast ng Banganga, alas 11:43 ng umaga ng Miyerkules, Abril 24.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 11 kilometers.

Naramdaman ang Intensity I sa bayan ng Bislig City, Surigao del Sur.

Samantala, niyanig din ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ng PHIVOLCS ang lindol 374 kilometers southeast ng Sarangani alas 11:28 ng umaga kung saan tectonic ang origin at may lalim na 270 kilometers.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.