in

Emirati na may pusong Pilipino, inaral ang Tagalog para maunawaan ang kulturang Pinoy

Isang Emirati ang mas piniling makabilang sa kaniyang mga kaibigan na Pinoy at aralin ang Tagalog para mas maunawaan pa niya ang ating kultura.

Ito ay dahil umano sa pagiging likas na masiyahin at “family-oriented” ng mga Pinoy.

Nakilala ang Emirati na si Ali Yousuf Ahmad Al Selaiti, na tinawag ng mga Pinoy niyang kaibigan bilang si “Ali Puti” dahil sa maputi niyang kompleksiyon.

Sa panayam kay Ali Puti, sinabi niyang hinangaan niya ang pagiging palakaibigan ng mga Pinoy kaya gusto niya ring sumama sa tawanan ng mga ito.

Nag-umpisa si Ali Puti na mag-aral ng Tagalog noong 1986 at binigyan pa ng deadline ang sarili noong 2000, at ngayo’y proud na nakikipag-usap na siya sa lenggwahe.

WATCH: ALI PUTI – EMIRATI BY BIRTH, FILIPINO AT HEART

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment