in

Mayor Isko Moreno, binigyan ng 3 araw na ultimatum ang 2 market operators para magbayad ng P25M na utang

Binigyan ni Manila Mayor Fracisco “Isko Moreno” Domagoso ang 2 market operators ng 3 araw para bayaran ang P25.54 million “unpaid obligations” nito sa Lungsod ng Maynila at kung hindi ay mawawalan ang mga ito ng kontrol sa limang public market sa siyudad.

Ayon kay Moreno, may joint venture agreement sa kanyang administration ang XRC Mall Developers Inc., at Marketlife Management and Leasing Corporation pero hindi nagre-remit ang mga ito ng guaranteed annual revenue share ng lungsod simula pa 2017.

Ang dalawang kumpanya ay nagkaroon ng kasunduan sa pamahalaang lokal ng Maynila noong panahon ni dating Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Pinatatakbo ng XRC ang Sta. Ana Market, San Andres Market, Sampaloc Market and Trabajo Market at ang mga ito ay nagkaroon ng utang na aabot sa P14.38 million.

Ang Marketlife na nagpapatakbo naman sa Quinta Market ay hindi umano nakapagbayad ng P11.16 million.

“‘Yung maliliit na nagtitinda nagbabayad pero ‘yung malalaking korporasyon hindi nagbabayad. Parang ginagahasa niyo naman kami niyan,” ani Moreno.

“Binibigyan ko kayo ng 72 hours to pay. This is unfair. Hindi makatwiran yan. In the absence of payment, we will invalidate or strike down your contract. No extension. You have to pay,” dagdag ng alkalde.

BREAKING: Mayor Isko Moreno warns XRC Mall Developers Inc. and Marketlife Management and Leasing Corporation