fbpx
≡ Menu

ABS-CBN stars at mga empleyado, umapela sa Kongreso na i-renew ang franchise ng TV network

ABS-CBN stars at mga empleyado, umapela sa Kongreso na i-renew ang franchise ng TV network

Sa inilabas na open letter ng mga staff at crew kasama ang mga aktor, director at writer na nagtatrabaho sa ABS-CBN, umaasa ang mga ito na mapakikinggan sa 18th Congress ang kanilang ape­la kaugnay sa renewal ng kanilang franchise na nakatakda nang mag-expire sa Marso 2020.

“We are hoping that this is just an issue of lack of time in tackling this before Congress adjourned last June 11, and thus, could still be re-filed in the 18th Congress,” ani sa liham.

Giniit pa ng mga ito na malaki ang epekto ng nakaambang pagsasara ng TV network sa kanilang kabuhayan partikular sa kanilang pamilya lalo na sa mga anak na pinag-aaral.

Sinabi pa sa liham na posibleng nag-ugat ang isyu sa reklamo ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte hinggil sa hindi naipalabas na campaign advertisement noong panahon ng kampanya sa pagka-presidente noong 2016.

“What ever is the issue regarding the campaign TV Ad, we believe, must be resolved legally without affecting the entire organization,” ayon pa sa liham.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte noong nakaraang taon na kanyang sasaraduhan ang pagpasa ng renewal ng ABS-CBN dahil aniya ay ‘magnanakaw’ umano ang TV network.

“Hindi ko palusutin. Iyong franchise niyo matatapos. But let me ask you questions first. Kasi ako talaga mag-object na ma-renew kayo. Alam mo bakit? Magnanakaw kayo, estapador,” ayon sa Pangulo.