in

Hybrid Electric Train na may rutang Alabang-Biñan, libreng magagamit ng publiko sa May 6

Simula May 6, magagamit na ng publiko ang locally-made Hybrid Electric Train (HET) ng Department of Science and Technology (DOST).

Ngayong araw, Abril 24, nang pasinayaan ng mga opisyal ng DOST, sa pamumuno ni Sec. Fortunato dela Peña ang inagurasyon ng tren sa Biñan, Laguna station ng Philippine National Railways (PNR).

Aabutin ng 19-araw para makumpleto ang 150-hour run time ng bagong tren bago tuluyang ma-turn over sa PNR kaya libre muna ang sakay dito ng mga pasahero.

Ang bagong tren ay gawang Pinoy na dinevelop ng Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) ng DOST.

“A product of the DOST-MIRDC’s research and development initiatives, the HET technology is a breakthrough in its own right. This home-grown technology, once given a chance, is going to make the Filipinos’ public transportation challenges a thing of the past,” ayon sa MIRDC.

“The HET aims to raise the efficiency of the PNR’s operations through reduced production and operational costs,” dagdag pa nito.

Bukod sa air-conditioned, may CCTV system din, LED TV at automatic sliding doors ang tren.

Ang HET ay may rutang Alabang hanggang Biñan station.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0