in

Paolo Duterte kay Agot Isidro: Kung gusto mo ng hubaran, magsolo ka o kayong dalawa ni Florin Hilbay

Hindi kinagat ni presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang hamon ni Agot Isidro na ipakita niya ang kanyang likod para patunayan na wala itong tattoo na nag-uugnay sa kanya sa illigal drug syndicate.

“Congrats, DDS! Salamat sa pag-convince kay SAP Go. Thank you SAP Go for being a sport. Sport nyo yata ang pagve-ventosa. Akala ko basketball. O, si Polong naman!” pahayag ni Agot sa Twitter.

Ito’y matapos kumasa sa hamon si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go at ipinakita sa publiko ang kanyang likod na walang tattoo.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Paolo na kung gusto umano ni Agot ng hubaran ay magsolo ito o kaya’y isama ang “girlfriend” na si opposition senatorial candidate Florin Hilbay.

“Nanawagan ako kay Agot Isidro kung gusto nya ng hubaran, magsolo na lang sya. Or sila na lang ng gf nyang si Flor Hilbay,” saad ni Paolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment