in

Aroganteng pulis sa San Juan, nag-viral matapos sigawan, pagmumurahin at pagbantaan ang isang 21-anyos na lalaki

Isang aroganteng pulis ang nag-viral sa social media matapos makuhanan ng video na sinisigawan, minumura at pinagbantaan ang isang 21-anyos na call center agent habang bumibili sa isang tindahan sa San Juan City.

Naganap ang insidente dakong alas 11:00 ng gabi nitong Sabado sa R. Lagmay St, Barangay Ermitano ng nasabing lungsod.

Nakilala ang biktima na si Aaron Estrada, 21-anyos na call center agent.

Makikita sa video na pinipilit isama sa police station ang biktima kahit na sa una pa lamang ay hindi na gaano umiimik.

Tinanong ng pulis ang edad at pangalan ng binata, at hiningi pa ang identification document (ID) nito.

Nagbanta pa ang aroganteng pulis sa biktima na babalik ito at markado na umano ito sa kanya.

Hindi rin nakaligtas ang matandang tindera dahil napagbuntunan din siya ng galit ng pulis.

Sa huli ay hindi na nito kinuha ang mga ipinagbalot na mga ulam at nagbanta sa tindera na kailan man ay hindi na ito bibili sa karinderya.

Nang makasakay sa sasakyan, sinubukan pang ibigay ng matanda ang mga inorder nito ngunit hindi na nito tinanggap ang mga pagkaing nakabalot.

Dahil sa insidente, agad na sinibak sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj. General Guillermo Eleazar ang aroganteng pulis.

Ayon kay Eleazar, ipinag-utos na niya kay Eastern Police District (EPD) Director Brig. General Nicolas Bathan ang pagsibak sa puwesto ni Police Sr. Master Sgt. Arnulfo Ardales, na nakatalaga sa Police Community Precint (PCP) 3 ng San Juan City Police.

Sa ngayon ay nasa District Headquarters Service Unit (DHSU) ng EPD ang pulis na si Ardales habang iniimbestigahan ang kanyang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0