fbpx
≡ Menu

Dagdag-sahod sa mga guro ngayong 2019, tinatrabaho na ni Pangulong Duterte

Hinahanapan ng solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pagtataas ng sahod ng mga guro sa pampublikong eskuwelahan sa bansa.

“The President is not reneging on his commitment. You must remember that the mother of the President was a teacher and, so his heart is with the teachers,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Pane­lo at iginiit na isang dating guro ang ina ng Pangulo kaya mahal nito ang mga guro.

Sinabi pa ni Panelo na ginagawa ng mga economic manager ng Pangulo ang lahat ng paraan para makahanap ng pondo para sa salary increase ng mga guro.

“The President is working on that. Hopefully, that can be responded to. Our economic managers are doing everything to see how things can be done. I’ve already talked with the Secretary of Finance, budget managers. They said they’re working on it,” ani Panelo.

Dati nang inanunsyo ng Pangulo na magbibigay ito ng dagdag sahod sa mga guro matapos na doblehin ang sahod ng mga militar at pulis.

“Tinatrabaho ng Pangulo ang umento sa sahod ng mga guro. Hindi tinatalikuran ng Pangulo ang kanyang pangako pero maraming bagay ang nangyari sa unang tatlong taon ng kanyang termino kaya kailangan niyang dagdagan ang suweldo ng mga sundalo at pulis,” ayon pa kay Panelo.

Samantala, nais ng Pangulo na makausap ng personal ang mga guro kaugnay ng planong pagtataas sa kanilang sahod.