in

Mga nagpapakalat ng video scandal ni Jim Paredes, posibleng managot ayon sa DICT

Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na posibleng mapanagot ang mga magsha-share o magpapakalat ng video scandal ni Jim Paredes.

Sa naging forum ni DICT acting Secretary na si Eliseo Rio Jr. kanyang isinaad na sa ilalim ng cybercrime law ay may kalalagyan ang mga magbabahagi ng nasabing mga private video sa ibang tao.

“Yung kay Jim Paredes ito ay pornographic in a sense, at kung sino man ang mag-post ng isang pornographic video clip ay puwedeng kasuhan kasi labag sa batas ‘yan na mag-post ka niyan sa social media, in that sense kahit hindi ikaw ang original author ng pornographic material na ‘yun dahil pinalabas mo, pinost mo ay puwede kang kasuhan, huwag mo pang i-share dahil parang ikaw na rin ang nag-post nun” ayon kay Eliseo.

Hindi rin umano dapat magbingi-bingihan ang mga netizen na wala silang alam sa batas dahil mapapanagot pa rin sila.

“Ignorance of that law, kapag hindi mo alam na mayroon pa lang punishment na mag-like lang o mag-share, does not excuse you, ikaw ay mahuhuli diyan,” dagdag ni Eliseo.

Handa naman ang DICT na imbestigahan ang pagkalat ng video scandal ni Jim Paredes sa social media.

Gayunman sinabi ni Rio na wala pa silang natatanggap na anumang pormal na reklamo mula kay Paredes.

WATCH: SHARERS OF JIM PAREDES SEX VIDEO LIABLE UNDER CYBERCRIME LAW

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment