in

LOOK: Final at official tally ng Comelec sa 2019 midterm elections, natapos na

Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayo bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing ng 167 na certificates of canvass (COC) para sa 2019 midterm elections.

Sa final and official tally ng Comelec, nasa 1st spot pa rin sa senatorial race si Cynthia Villa habang napanatili ni Nancy Binay ang kapit sa 12th spot.

  1. Cynthia Villar – 25,283,727
  2. Grace Poe – 22,029,788
  3. Christopher “Bong” Go – 20,657,702
  4. Pia Cayetano – 19,789,019
  5. Ronald “Bato” Dela Rosa – 19,004,225
  6. Sonny Angara- 18,161,862
  7. Lito Lapid – 16,965,464
  8. Imee Marcos – 15,882,628
  9. Francis Tolentino – 15,510,026
  10. Aquilino “Koko” Pimentel III – 14,668,665
  11. Ramon “Bong” Revilla – 14,624,445
  12. Nancy Binay – 14,504,936

Dahil dito, itutuloy na ng Comelec ngayon araw ang proklamasyon ng mga nanalong senador habang mamayang gabi naman ang mga nanalong party-list.

Bigong naman na makapasok sa “Magic 12” ang re-electionist senators na sina Sen. JV Ejercito at Bam Aquino na nakakuha lamang ng 14,313,727 at 14,114,923 votes.