Babae sa China na positibo sa coronavirus, nagsilang ng isang malusog na sanggol

Babae sa China na positibo sa coronavirus, nagsilang ng isang malusog na sanggol

Nagsilang ng isang malusog na batang babae ang isang ina na positibo sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) sa isang ospital sa Harbin, kabisera ng Heilongjiang province noong Enero 30, ayon sa Harbin Municipal Health Commission nitong Lunes, Pebrero 3.

Ayon sa ospital, may bigat na 3.05 kilo ang sanggol at binigyan ng 10 Apgar score sa pagkasilang nito – indikasyon na maayos ang kalusugan at negatibo sa naturang karamdaman .

“The child is healthy and everyone is very happy. He’s been sent to Wuhan Children’s Hospital for further tests,” pahayag ni Dr. Song Bo.

“As a father-of-two myself, it’s been tough being on the front line day and night, but we’re all so excited to see this new life. I believe we will win the fight against this disease,” dagdag pa nito.

Matapos ang ilang araw ng medical quarantine at obserbasyon, nasa stable nang kondisyon ang ina at sanggol nito.

Nang iulat na mayroong 38-linggong buntis sa naturang ospital noong Enero 30, binigyan ng konsultasyon ang ina ng grupo ng mga eksperto sa obstetric, respiratory at neonatology.

Upang pigilan ang paglala nito, napagdesisyunan na ng mga eksperto na magkaroon ng agarang cesarean section.

Walang occupational exposure at nasa ilalim na ng isolation observation ang lahat ng medical workers na kabilang sa operasyon.

Dalawang beses namang nag-negatibo sa novel coronavirus ang sanggol.