fbpx
≡ Menu

GOOD NEWS! Super Typhoon Hagibis, mababa na ang tiyansang pumasok sa PAR ayon sa PAGASA

GOOD NEWS! Super Typhoon Hagibis, mababa na ang tiyansang pumasok sa PAR ayon sa PAGASA

Mababa na ang tyansang pumasok pa sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong binabantayan sa Pacific Ocean na may international name na ‘Hagibis’.

Ayon sa weather update ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay malayo na ang tyansa pang pumasok ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa layong 2,020 kilometro silangan ng Northern Luzon.

Nasa ‘Typhoon’ category pa rin ang bagyo taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 245 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa direksyong hilagang-kanluran.

Para sa PAGASA, nasa typhoon category pa rin ito, ngunit sa Japan Meteorological Agency (JMA) at Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ay isa na umano itong super typhoon.

Samantala, ngayong araw, ang northeasterly surface windflow ang weather system na umiiral sa bansa partikular sa Luzon.

Ang Metro Manila at buong bansa ay makararanas ng mainit at maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, Ilocos Norte at northern coast ng Cagayan.