in

19-anyos na binatilyo, huli sa akto na ginagahasa ang isang baka sa Zamboanga City

Naaktuhan ang isang 19-anyos na binatilyo habang ginagahasa ang isang baka sa ilalim ng punong mangga sa Salaan, Zamboanga City.

Napansin ni Alih Tawakal, caretaker ng baka, na nawawala ang isa sa kaniyang alagang baka.

Naghanap ito at nakita niya ang binatilyo habang hinahalay ang kanyang alaga.

Sinigawan niya ang suspek na nagtatakbo nang hubo’t hubad.

Nagsumbong ang caretaker sa kaniyang amo, na siya namang nag-report sa barangay..

Dahil sa ginawa ng binatilyo, inimbitahan siya sa Brgy. Salaan para matanong hinggil sa kanyang krimen.

Ayon kay Barangay Chairperson Bobby Francisco, inamin ng binata ang kanyang ginawang panghahalay sa baka.

Hindi na nagsampa ng kaso ang may-ari ng baka laban sa binatilyo, kahit ito na ang pangalawang beses na hinalay nito ang kaniyang mga alagang baka.

Samantala, ayon sa ama ng binata, wala sa tamang pag-iisip ang kaniyang anak kaya nagawa ito.