in

Inosenteng lalaki, muntikan ng madampot ng mga nagpakilalang pulis na walang arrest warrant

Inirereklamo ng isang netizen ang dalawang nagpakilalang umano’y pulis na nais hulihin ang kanyang pinsan kahit walang maipakitang warrant of arrest sa East Dirita, San Antonio sa Zambales.

Nag-viral ang video na ibinahagi ni Justine Josue Alquetra matapos matungyahan ang ginawa ng dalawang lalaki na nagpakilalang pulis ngunit hindi naka uniporme ang mga ito.

Nagkaroon ng komosyon nang aarestuhin na ng umano’y pulis ang kanyang pinsan kaya hinaharangan nila ito.

Pilit na tinatanong ng pamilya ang umano’y mga pulis kung anong pagkakasala ng kanilang anak ngunit wala itong dahilan na maibigay.

Makikita sa video na nakatakip pa ang mukha ng isang pulis habang sinusubukang arestuhin ang biktima.

Hindi naman pumayag ang pamilya na madampot ang inosente nilang anak sa kadahilanang walang maipakitang arrest warrant o ebidensya ang mga ito kung bakit nila huhulihin.

“Ganito ba dapat ang ginagawa ng mga kapulisan natin? Manghuhuli nalang basta-basta ng walang warrant of arrest? Mga naka-civilian attire sila at gamit na sasakyan ay isang Toyota. Tahimik na gumagawa sa gilid ng kalsada ang pinsan ko nang bigla silang dumating at hinabol nila hanggang likod ng bahay. Pilit naming tinatanong kung ano ang kasalanan, walang sumasagot sa kanila at pilit nilang sinasama sa police station. Yung ibang kasama nakatakip pa ang mga mukha.”

Nabigla naman ang mga netizen sa ginawa ng dalawang nagpakilalang pulis.

Kung tunay umanong pulis ang mga ito ay dapat nagpakilala sila ng mahusay at dapat may warrant of arrest.

Nagdududa ang mga netizen sa mga kilos ng pulis dahil walang maibigay na malinaw na dahilan kung bakit nila dadalhin sa presinto ang lalaki.

PANOORIN ANG KUHANG VIDEO NI JUSTINE JOSUE ALQUETRA:

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0