Leni Robredo, hindi tinanggap ang pagbibitiw ni Kiko Pangilinan bilang Liberal Party president

Leni Robredo, hindi tinanggap ang pagbibitiw ni Kiko Pangilinan bilang Liberal Party president

Hindi tinanggap ni Vice President at Liberal Party (LP) chairman Leni Robredo ang pagbibitiw sa pwesto ng ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan bilang presidente ng partido.

Mababatid rin na nag-resign si Quezon City Representative Christopher “Kit” Belmonte bilang secretary general ng partido.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, marami pang kailangang gawing trabaho at kailangan itong gawin ng dalawa nang magkasama.

Nagbitiw si Pangilinan para akuin ang responsibilidad sa pagkatalo ng Otso Diretso sa katatapos na 2019 midterm elections.

Sa walong pambatong senador ng LP, si re-electionist senator Bam Aquino ang nakakuha ng pinakamataas pwesto na ika-14.

Si dating LP president at DILG Secretary Mar Roxas naman ay nasa pang-16 na pwesto.