fbpx

Pulis na sinabuyan ng taho sa MRT, ginawaran ng ‘Medalya ng Papuri’ sa Kampo Crame



Read: Paano maging updated sa PhilNetizen sa inyong Facebook News Feed?

Ginawaran ng ‘Medalya ng Papuri’ sa Kampo Crame ang pulis na sinabuyan ng taho ng galit na babaeng Chinese sa Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT-3) Boni Station.

Sa flag raising ceremony ay mismong si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde at dating Special Assistant to the President (SAP) at Honorary Chair ng Chiefs of Police Association of the Philippines Cristopher ‘Bong Go’ ang nagsabit ng medalya kay Police Officer 1 (PO1) William Cristobal dahil sa ipinakita niyang pasensiya at pagtupad sa kaniyang trabaho bunsod ng insidente.

Si Cristobal ay naka-assign sa MRT Boni Station sa Mandaluyong City nang kaniyang sitahin ang Chinese na si Jiale Zhang, 23-anyos, dahil sa kaniyang dalang taho na ipinagbabawal sa istasyon.

Ikinagalit ng estudyanteng Chinese ang paninita ni Cristobal kaya’t kaniyang ibinuhos ang hawak niyang taho sa pulis.

Dahil dito, agad na inaresto si Zhang kung saan siya ay kinasuhan ng direct assault, disobedience to agent of person in authority, at unjust vexation.

READ:  Paring manyak na sangkot sa pangmomolestiya sa mga altar boys, pinatungan pa ng 5 kaso

Sa ambush interview kay Albayalde sinabi nito na ipinagmamalaki nila si PO1 Cristobal dahil sa ipinakitang kahinahunan nito sa kabila ng nangyaring pambabastos sa kaniya lalo pa’t nagmula iyon sa isang dayuhan.

Isa aniya itong patunay na ang mga pulis ngayon ay pasensyoso, mahinahon at mababang loob na humaharap sa anumang klaseng sitwasyon.

Hindi naman inaasahan ni Cristobal ang naturang parangal at sinabing ginagawa niya lamang ang kaniyang trabaho.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment