fbpx

Pekeng pari at miyembro ng Sputnik Gang, arestado dahil sa panghihingi ng pera kapalit ng basbas at misa



Read: Paano maging updated sa PhilNetizen sa inyong Facebook News Feed?

Timbog ang isang lalaking nagpanggap na pari sa gitna ng pista sa Tondo.

Naaaresto ang suspek na kinilalang si Marlon Ponterez, dati nang nakulong at miyembro ng Sigue Sigue Sputnik Gang, dahil sa sumbong ng mga residenteng hiningian nito ng pera kapalit ng pagmimisa at pangbabasbas.

Ayon kay Manila Police District Station 1 Commander Supt. Reynaldo Magdaluyo, naka-abito pa si Ponterez at may hawak na bibliya at pekeng holy water habang umiikot sa Tondo.

“Nagbabasbas siya ng mga bahay at gusto niyang magpamisa roon. Pero ang nakapagtataka ay nanghihingi siya ng pera. At ang isang bahay nga ay pinanhik niya pa at sabi niya, ‘Bagong gawa, basbasan ko.’ At nanghihingi siya ng isang libong piso,” saad ni Magdaluyo.

Sapilitan umano itong pumapasok sa loob ng bahay ng kaniyang biktima upang misahan at basbasan ang bahay ng mga ito at saka siya manghihingi ng P1,000.

READ:  Babaeng kidnapper, isiniwalat ang modus ng sindikatong nangunguha ng mga bata para ibenta

Nagtataka umano ang mga biktima dahil iniipit ni Ponterez ang bayad sa kaniya sa Bibliya at sinabi pang nanghihingi pa ng donasyon ang inirereklamong pari.

“Ito ay pamimilit na maglagay ng pera ‘yung mga tao,” ani Magdaluyo.

Depensa naman ni Ponterez, ordained na siya at ang perang kaniyang nalilikom ay para sa feeding program at para suportahan ang kanyang limang anak.

“Nasa missionary pa lang po ako ng bagong congregation na dating Aglipay na apostolic Catholic. Hindi po ako nangingikil. Meron nga po akong nabe-bless na wala sila talagang pera. Okay lang. Ang mahalaga na-bless ko kayo,” sabi ni Ponterez.

Gayunpaman, sa imbestigasyon ng pulisya napag-alaman na kalalaya palamang ni Ponterez noong nakarang taon dahil sa kasong carnapping. Nahaharap naman ngayon sa mga kasong extortion, estafa, at usurpation of authority si Ponterez.

READ:  Babae, tinarakan ng kutsilyo sa dibdib habang nakaupo sa loob ng bus sa Tagum City

Nagbabala naman sa publiko si Magdaluyo na mag-ingat sa mga pekeng pari at ipagbigay-alam sa mga pulis kung may mga mukhang pekeng pari sa kanilang lugar.

“Ang pagkakaalam ko, ang isang tunay na pari o paring Aglipayano ay hindi humihingi ng donasyon sa mga mamamayan… Pagka may mga ganitong mga tao na pupunta sa inyong mga lugar ay kaagad na ipagbigay-alam sa ating kapulisan,” saad ni Magdaluyo.

PEKENG PARI NA NANGHIHINGI NG DONASYON KAPALIT NG PAGBABASBAS, ARESTADO


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment