in

Leni Robredo, nais magkaroon ng panukalang batas para i-regulate ang mga posts sa social media

Umaasa si Vice President Leni Robredo na magkakaroon ng panukalang batas para i-regulate ang mga post sa social media at para maiwasan ang pagpapakalat ng fake news o disinformation.

Ito ang suhestiyon ni Robredo nang tanungin ng mga reporters sa Dagupan City kung paano mapipigilan ang disinformation sa panahon ng eleksyon.

“Ako, kailangan talaga iyong Kongreso magpasa ng mga batas na kahit paano may regulation iyong posts sa social media. Kailangan iyong mga social media networks gaya ng Facebook, ng Instagram, YouTube—kailangan magkaroon ng regulation. Kung anybody can post anonymously, ang daming nabibiktimang hindi naman deserve na siraan,” sabi ni Robredo.

“Iyong accountability na ine-expect from traditional media, dapat ganoon din sa social media. Kasi hindi fair na walang ganoong accountability; na kahit anong kasinungalingan, napo-post,” dagdag nito.

Giit ni Robredo na hindi na maayos pa ang pinsala o sira na dulot ng fake news sa isang tao.

“Hindi naman irreparable [ang damage]. Pero it would take time to make it known to people, kasi wala naman tayong infrastructure na kagaya noong mga naninira. Iyong mga naninira, iyong infrastructure in place, alam natin iyon. Talagang maraming pera iyong ibinubuhos para magsira ng mga tao. Kailangan iyong Kongreso, magpasa ng mga batas na mas nire-regulate na ito, kasi otherwise, pasama lang siya nang pasama,” ani Robredo.

Ang naturang pahayag ni Robredo ay ikinagalit ng mga netizen. Isang pro-Duterte supporter ang agarang naglahad ng kanyang reaksyon ukol dito.

Ayon kay MJ Quiambao Reyes, mas malaki dapat ang parusa sa mga public official katulad ni Robredo na ilang beses na umanong naglabas ng mga maling impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0