Pangulong Duterte, ipinatitigil ang lahat ng business operations ng Chuzon Supermarket

Pangulong Duterte, ipinatitigil ang lahat ng business operations ng Chuzon Supermarket

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng lahat ng business operations ng Chuzon Supermarket sa Pampanga matapos gumuho ang isa sa mga gusali nito sa bayan ng Porac nang yumanig ang magnitude 6.1 na lindol.

“Well in a probability, the one who constructs the supermarket here could also be the one who constructed the others. I would like to presume that, although I stand corrected,” saad ng Pangulo.

“So it would be good at this time to just give them the advice to stop, cease and desist in doing business until such time that the clearance given by government, whether city engineer or whoever is competent to review the planning,” dagdag ng Pangulo.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang may-ari ng Chuzon Supermarket.

Maliban sa may-ari ng Chuzon Supermarket na si Samuel Chu, isinailalim din sa kustodiya ng pulisya ang assistant manager nitong si Kaye Toledo para matanong hinggil sa pagguho ng gusali.