fbpx
≡ Menu

2 suspek sa pagsunog ng vote counting machines sa Isabela, naaresto na ng PNP

2 suspek sa pagsunog ng vote counting machines sa Isabela, naaresto na ng PNP

Dalawang suspek sa panununog ng vote counting machine (VCM) at iba pang election paraphernalia sa Jones, Isabela ang naaresto.

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) sina Jayson Leaño at Rodel Pascual sa ikinasang manhunt operation sa grupo ng dalawang suspek kasabay ng 2019 midterm election.

Sa inisyal na ulat, ibinibiyahe ang VCM at election paraphernalia ng mga miyembro ng board of election inspectors (BEI) patungo sa munisipyo ng bayan ng Jones nang harangin sila ng mga suspek sa bahagi ng Barangay Sta. Isabel.

Pinababa umano ng mga armadong lalaki ang mga BEI at ipinasuko ang VCM at saka naman nila sinunog ang mga ito.

Ang sinunog na VCM at election paraphernalia ay mula sa polling precinct numbers 0037A, 0037B, 0038A, 0038B at 0038P1 mula sa Barangay Dicamay I at polling precinct number 0039A, 0039B, 0039C, 0040 A 0040B at 0040P1 na mula naman sa Barangay Dicamay II.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong Arson, Grave Threats at Robbery.