in

Pangulong Duterte, magtutungo sa Pampanga; pangungunahan ang situation briefing matapos ang magnitude 6.1 na lindol

Matapos ang magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon nitong Lunes, Abril 22, magtutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pampanga.

Pangungunahan ng Pangulo ang situation briefing sa naging epekto ng pagyanig kahapon.

Nais na personal na malaman ng Pangulo ang lawak ng pinsala ng lindol.

Una rito ay inatasan ng Pangulo ang mga gobernador sa mga apektadong lalawigan na tiyaking maaasistihan ang mga naapektuhang residente at agad isagawa ang assessment sa pinsala ng lindol.

Naramdaman ang Intensity 6 na lindol sa mga bayan ng Floridablanca, Lubao at Porac at maging sa Angeles City.

Samantala, idineklara na ng lokal na pamahalaan ng Porac ang state of calamity sa bayan para mapabilis ang pag-ayuda sa mga apektadong residente.