in

Leni Robredo, nais ilagay sa witness protection program ang suspek sa pag-upload ng ‘Bikoy’ videos na si Rodel Jayme

Dapat imbestigahan ng gobyerno ang mga akusasyon ng isang alyas “Bikoy” laban sa mga kapamilya at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uugnay sa kanila sa illegal drug trade.

Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo sa pagkakahuli sa uploader ng mga Bikoy propaganda videos sa YouTube.

Dagdag pa ni Robredo na dapat umanong ilagay sa witness protection program si Bikoy dahil para rin itong whistleblower.

“Ang naaresto ay hindi si Bikoy kundi ‘yung nag-upload nung videos. Ako, marami kasing tanong: una, mayroon ba talagang Bikoy? Ang gusto kong sabihin, si Bikoy ba tunay na tao?” ani Robredo.

“Kasi kung tunay na tao, parang whistleblower siya. Hindi ba dapat bigyan ng proteksyon para malaman kung totoo o hindi ang sinasabi? Kasi wala naman tayong way of knowing kung totoo o hindi [ang sinabi niya agad-agad]. Bakit hindi tingnan kung totoo [ang mga bintang],” dagdag niya.

May apela naman si Robredo sa mga awtoridad, na arestuhin rin ang lahat ng indibidwal na nagpapalaganap ng fake news o maling impormasyon lalo na kung may halo itong pulitika.

“Malaking bagay iyong [pag-aresto kay Bikoy] pero sana, sana iyong lahat na nag-uupload ng mga fake na news, sana inaaresto rin. Kasi halimbawa, ako, biktima ako since 2016 ng maraming fake [news]. Pero ang masama nito kasi iyong ibang gumagawa ng fake news, parang… parang, sinusuwelduhan pa ng pamahalaan,” saad ni Robredo.

“Lahat na nagsasabi ng kasinungalingan, eh ‘di arestuhin, panagutin. Halimbawa, itong nag-upload nitong Bikoy, kung nagsisi—kung kasinungalingan iyong ina-upload niya, dapat papanagutin, kasuhan. But in the same manner, huwag pumili. Iyong lahat na gaya ni Bikoy na kasinungalingan iyong pino-post o ina-upload, papanagutin [dapat],” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment