fbpx
≡ Menu

Kiko Pangilinan, pinakakasuhan si Sec. Teddy Locsin dahil sa pagtawag na ‘boba’ kay Leni Robredo

Kiko Pangilinan, pinakakasuhan si Sec. Teddy Locsin dahil sa pagtawag na ‘boba’ kay Leni Robredo

Iginiit ni Sen. Kiko Pangilinan na dapat umanong kasuhan si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. dahil sa pagtawag na “boba” kay Vice President Leni Robredo.

Ito ang pag-rescure ni Pangilinan, isang araw matapos insultuhin ni Locsin si Robredo nang magkomento hinggil sa kanselasyon ng mga diplomatic passport ng mga dating foreign affairs secretary.

Sinabi ng senador na “disrespectful” ang ginawa ng kalihim kahit pa nag-sorry ito.

“Bagama’t nag-sorry na si Secretary Locsin mariin pa rin nating kinokondena ang kanyanag pambabastos, panlalait at pang-iinsulto kay VP Leni Robredo sa social media,” sabi ni Pangilinan sa Facebook post.

“Ang ganitong klase ng panlalait at pambabastos ay walang puwang sa isang sibilisadong lipunan at lalo na na nanggagaling sa kalihim ng Department of Foreign Affairs ang tanggapan na nangunguna sa pambansang diplomasya,” dagdag pa niya.

Giit ni Pangilinan, nilabag ni Locsin ang Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil sa inasal nito kay Robredo.

“Napaka ‘unprofessional’ ang kanyang pangiinsulto at panlalait at dapat siyang makasuhan at managot,” saad pa ni Pangilinan.

Mababatid na hindi na ito pinatulan ni Robredo na aniya maraming mas importanteng issue na dapat bigyang pansin kaysa pumatol sa isang pahayag na hindi naman daw kabawasan ng kanyang pagkatao.

“Sakin, di naman ako nababawasan nun. Alam ng tao kung ano yung tama at yung mali, kaya hindi ko na yun papatulan,” ani Robredo.

“Sakin naman wala naman ‘yun. Sakin hindi ‘yun personal. Yung tao yung manghuhusga. Yung sakin lang sana kung ano yung obligasiyon, gawin. Kung ano yung responsibilidad, gawin. Kung ano yung nasa batas sundin,” dagdag niya.