in

Bicol International Airport na kinilalang Most Scenic Gateway, 57.44% ng natapos ng Duterte admnistration

Patuloy ang paggawa ng Duterte administration sa Bicol International Airport at ito ay nasa 57.44 porsyento ng tapos.

Ininspeksyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang paliparan.

Tapos na ang airside ng airport na binubuo ng airstrip, runway, taxiway, apron at perimeter fence. Patuloy naman ang paggawa sa mga iba pang gusali.

Inaasahan na matatapos ito sa Hulyo 2020. Kapag natapos, kaya na ng paliparan na tumanggap ng 2 million pasahero kada taon.

“Hailed as the ‘Most Scenic Gateway’, BIA is expected to boost Bicol’s tourism arrival and help Albay become an economic powerhouse,” saad ng DOTr.

Ang mga opisyales na dumalo sa inspeksyon ay sina DOTr Usec. for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, Tourism Asec. Myra Abubakar, DOTr Asec. for Communications Goddes Hope Libiran, at CAAP Deputy Director General for Administration, General Ricardo Banayat.