20 pasyente sa Wuhan City, nakalabas na ng ospital matapos gumaling mula sa coronavirus

20 pasyente sa Wuhan City, nakalabas na ng ospital matapos gumaling mula sa coronavirus

Isang video footage ang inilabas ng China kung saan makikita ang 20 na pasyente ng Jinyintan Hospital sa Wuhan City na umano’y gumaling matapos silang tamaan ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Sa larawan na ibinahagi ng China Daily, makikita ang dalawang matandang mag-asawa kung saan makikita sa kanilang mga mata ang saya at sigla na nararamdaman nila.

Ang 67-anyos na si Wan at kanyang misis ay naiulat na nagkaroon ng coronavirus.

Subalit nitong Biyernes, Enero 31, ay nakalabas na sila ng ospital kasama ang iba pang pasyente na nasa edad na 15 hanggang 64 matapos gumaling mula sa naturang sakit.

Ito ay nagpapatunay lamang na may pagbabago ng nagaganap sa patuloy na pagsisikap ng China na gumaling ang mga pasyente at labanan ang coronavirus.

Sa ngayon, sumampa na sa 9,936 ang kabuuang kaso ng coronavirus sa buong mundo. Ito aybBatay sa tala ng World Health Organization (WHO) kung saan nasa 213 ang nasawi sa China.

Sa ngayon bumubuo naman ang Pasteur Institute ng vaccine laban sa coronavirus na inaasahang mailabas sa merkado sa loob ng 20 buwan.

Una rito, ipinabatid naman ng National Institute of Health (NIH) na bumubuo na rin ang Estados Unidos ng bakuna laban sa coronavirus.